PBA, tinanggihan ang imbitasyon sa Dubai Expo 2020

36

Tinanggihan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang imbitasyon ng Dubai para makasama sa Expo 2020 celebration na nakatakda sa Enero 27 hanggang 30.

Kasunod ito ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

Batay sa imbitasyon ng Dubai, tatlo hanggang apat na koponan ang kanilang hiniling para sumalang sa isang mini tournament.


Maliban dito, tinanggihan din ng PBA ang imbitasyon ni Kevin Brown, ang Planning at Management Vice President ng Expo 22 na maglaro sa March 25 hanggang 28.

Nauna nang naglaro ang PBA sa Dubai noong 2019 Governors’ Cup tampok ang mga tropa ng Barangay Ginebra, San Miguel at NLEX.

Facebook Comments