Dalawa ang patay habang 1,701 na pamilya ang apektado dahil sa pananalasa ng Bagyong Lannie.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot sa 8,048 na katao mula sa 21 na lugar sa rehiyon ng MIMAROPA at Western Visayas ang lubhang naapektuhan ng bagyo.
Dagdag ng NDRRMC, nasa 179 indibidwal pa o katumbas ng 55 na pamilya ang kasalukuyang naninirahan sa pitong evacuation centers habang 69 na indibidwal o 20 na pamilya ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.
Samantala, 19 na kabahayan ang nasira at aabot sa higit P12.2 million ang naitalang pinsala sa agrikultura dahil sa bagyo.
Facebook Comments