2 patay matapos magkasagupa ang mga Cattle Rustlers at mga otoridad sa Upi

Patay ang isang BPAT Member at hinihinalaang myembro ng mga kawatan ng farm animals sa bayan ng Upi sa nangyaring engkwentro alas tres kaninang madaling araw sa bahagi ng Brgy. Blensong.
Kinilala ang nasawing BPAT na si Gilbert Golde habang nagpapatuloy ang pag identify sa napaslang na suspected myembro ng cattle rustler sa panayan ng DXMY sa bagong talagang COP ng Upi MPS na si CIns Erwin Tabora.
Sinasabing unang sinita ng mga BPAT ang mga hinihinalang kawatan ng bigla silang paputukan resulta ng agarang pagkakasawi ng BPAT, habang sa ginawang pagresponde ng mga pinagsanib na pwersa ng PNP at Marines nasawi naman ang isa sa mga suspek at nakarecober pa ang M14 rifle.
Nagpapatuloy ang hot pursuit sa mga suspected cattle rustlers habang nagbabala ang mga kapulisan na tutuldukan na ang mga ginagawang kabulastugan ng mga kawatan ng mga alagang hayop ng mga magsasaka sa Upi.

Facebook Comments