2 patay sa salpukan ng motorsiklo sa Tapian Datu Odin Sinsuat

Patay ang isang grade 10 student at habal-habal driver nang magkasalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa bahagi ng Sitio Lidepan, Barangay Tapi-an, DOS, Maguindanao.
Ayon kay Police Staaf Sgt. Bobby Pendalilang ng traffic division ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, galing ng Barangay Tapian ang 18 anyos na si Datu Arras Tamay Baraguir upang kumuha ng damit para sa kanilang JS Prom, ang kasalubong nito na si Rogelio Tenorio Ato Jr, 32 anyos ay papunta naman ng Barangay Tapian upang bumili ng ulam pasado alas 6:00 kagabi.
Minamaneho ni Baraguer ang isang Honda XRM 125 samantalang Kawasaki Baja naman ang kay Ato.
Nagkasalpukan ang mga ito sa blind curb na bahagi paglagpas ng tulay sa Sitio Lidepan.
Sa lakas ng impact ng banggaan ay agad na nasawi si Ato samantalang sa pagamutan na binawian ng buhay si Baraguir.
Patuloy na nagpaalala ang DOS PNP na maging maingat lalo na sa pagmamaneho.

Facebook Comments