Manila, Philippines – Posibleng bawiin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang dalawang pisong dagdag sa mimimum na pamasahe sa jeep at bus.
Ayon sa LTFRB, ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa buong mundo.
Dagdag pa ni LTFRB Chief Martin Delgra, bukod sa presyo ng krudo kailangan din ikonsidera ang inflation rate sa bansa para tuluyang bawiin ang desisyon na taasan ang minimum fare.
Bago nito, nauna nang iniutos ni Transport Secretary Arthur Tugade sa LTFRB na muling pag-aralan nito ang pagpayag na taasan ang minimum fare sa NCR, Region 3 at 4.
Noong nakaraang Biyernes pa ipinatupad ang taas pamasahe, pero ngayong Linggong lang naging sampung piso na ang pamasahe dahil hindi agad nakakuha ng fare matrix ang mga pampublikong sasakyan.