Pampanga – Pinauwi na matapos mag negatibo sa Avian flu ang dalawang poultry workers mula sa Pampanga na una nang inaisolate ng Department of Health makaraan na makaranas ng ubo at lagnat.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, matapos magnegatibo sa ginawang pagsusuri sa swab at blood sample ang mga ito, ay pinayagan na silang lumabas ng ospital at pinabaunan ng Anti-Viral na mga gamot.
Ayon kay Ubial, normal na ubo at lagnat lamang ng naranasan ng 2 poultry workers.
Kaugnay nito, ayon sa kalihim, agresibo ang DOH sa ginagawa nitong pagmomonitor sa iba pang poultry workers na na expose sa mga infected na manok.
Ayon sa kalihim, kahapon, na screen na lahat ng poultry workers sa lugar at napagkalooban na sila ng anti-viral meds at nabigyan na rin sila ng training kaugnay sa pag gamit Personal Protective Equipment (PPE) o yung mga kagamitan na isinusuot para iwas sa exposure sa bird flu.