BIR, bumuo ng team na mag-iimbestiga hinggil sa posibleng paglabag ni COMELEC Chairman Bautista sa revenue code

Manila, Philippines – Bumuo na ang Bureau of Internal Revenue ng Special team na sisilip kung nagkaroon ng paglabag sa National Internal Revenue Code si Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Pero bukod kay Bautista iimbestigahan rin ng BIR ang asawa nitong si Patricia Bautista, Atty Nilo Divina, Divina Law Firm at Luzon Development bank.

Pamumunuan ni Regional Director Glen Geraldino ng Revenue region 8 Makati City ang nasabing imbestigasyon.


Habang magiging katuwang naman nito sina:
Regional Director Manuel Mapoy, Regional Director officer Petronillo Fernando, Regional Director officer Bethsheba Bautista at Regional Director officer Isabel Paulino.

Si Bautista ay balot ngayon ng kontrobersiya makaraang ibunyag ng kanyang asawa na mayroon itong tagong yaman.

Maliban sa BIR, iniimbestigahan din ang poll chief ng NBI at ng AMLC.

Facebook Comments