2 Pulis na Bar Passer, Ginawaran ng ‘Medalya ng Kasanayan’ ng PRO-2

Cauayan City, Isabela- Iginawad ng Police Regional Office No. 2 ang ‘MEDALYA NG KASANAYAN’ sa dalawang miyembro ng pulisya matapos maipasa ang 2019 Bar Examination.

Kinilala ang nagbigay karangalan na pulis na sina PSSg. Rudy Amores Bandolin ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at PSSg. Wilbert Reyes Hernandez ng Santiago City Police Office.

Personal na ibinigay ni PCOL. Edgar Cacayan, Deputy Regional Director for Administration ng PRO2 ang medalya sa pamamagitan ng Simultaneous Virtual Awarding Ceremony via Zoom na pangunahing pandangal ay si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa.


Pinuri naman ni RD PRO2 PBGen. Angelito Casimiro ang dalawang pulis sa kabila ng kanilang hirap ay napagtagumapayan nila ang kanilang pangarap na maging isang ganap na abogado.

Aniya, ang kanilang tagumpay ay hindi pangkaraniwan dahil kapuri-puri hindi lamang para sa kanila maging sa buong organisasyon.

Mapapabilang ang dalawang pulis sa panibagong hamon ng kanilang trabaho dahil kabilang na ang mga ito sa PNP Legal Service.

Itatalaga din sila sa iba pang sangay ng organisasyon na tiyak na makakapagbigay ang mga ito ng kanilang galing sa usapin ng batas.

Facebook Comments