2 Pulis na Nahuli sa Extortion at Pagsasabong, Posibleng Matanggal sa Serbisyo!

Cauayan City, Isabela- Nanganganib na matanggal sa serbisyo ang dalawang pulis na naaresto sa pangingikil at pagsasabong sa Lalawigan ng Isabela.

Nasa kustodiya pa rin ngayon ng Police Regional Office 02 (PRO2) si PSMS Fidel Rey Dugayon, 45 taong gulang, may-asawa, miymebro ng Isabela Special Motorcycle and Response Team (ISMART), residente ng Brgy Centro, Cabatuan, Isabela na nahuli sa pangingikil sa mga nasitang motorista sa isinagawang entrapment operation ng otoridad at si PSSg. Jovimar Rodriguez na nakatalaga sa Bayombong Police Station, Nueva Vizcaya na nahuli naman sa aktong pagsasabong sa Cauayan City, Isabela.

Kasama rin ni PSMS Dugayon na nahuli sa entrapment operation si Joel Acosta, 42 taong gulang, welder, at residente ng Brgy Culig Centro, Cabatuan, Isabela.


Alinsunod pa rin ito sa kautusan ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na higpitan pa ang kampanya kontra illegal gambling at internal cleansing.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo at kriminal si PSMS Dugayon habang nakasuhan naman ng paglabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standards si PSSg. Jovimar Rodriguez.

Facebook Comments