Inaresto ng mga tauhan ng Investigation and Detection Management Section at ng Special Reaction Unit ang dalawang pulis na nakatalaga sa Station Special Operation Unit ng Marikina Police Station matapos na halayin mg mga ito ang dalawang babaeng inmate sa loob mismo ng tanggapan ng Station Special Operation Unit ng Marikina Police Station.
Sinampahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 Anti-Rape Law sina Patrolman Arnold Moscosa Geroy at Patrolman Sonny Baccay Maruzzo, kapwa nakatalaga sa Station Special Operation Unit ng Marikina Police Station.
Napag-alaman sa imbestigasyon na hinalay ng dalawang pulis ang dalawang babaeng bilanggo makaraang ikwento ng dalawang babaeng preso sa Jailer nang ibalik ito sa kulungan ang ginawang panghahalay sa kanila sa loob ng Station Special Operation Unit ng Marikina PNP.
Agad na dinis-armahan ang dalawang bagitong pulis ng mga tauhan ng Investigation and Detective Management Section at Special Reaction Unit ng Marikina PNP.
Kaugnay nito dismayado si NCRPO Director Police Major Debold Sinas at nangako sa mga babaeng inmates na kapag napatunayan sa korte ang mga alegasyon sa kanila hindi umano nito kukunsintihin ang ginawa ng kanyang mga pulis upang hindi na matularan pa ng ibang mga alagad ng batas.