2 pulis, nadagdag sa nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP

28

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umabot na sa 42,189 ang kabuuang kaso sa PNP kung saan 66 ang aktibo.

Batay pa sa datos ng PNP Health Service, nadagdagan ng siyam ang mga gumaling para sa kabuuang 41,998 recoveries.


Habang nananatili sa 125 ang mga nasawi sa hanay ng PNP.

Kahapon, nasa 863 ang naitalang panibagong bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, nasa 2,830,387 na ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 17,853 ang active cases.



Facebook Comments