2 SAP Beneficiaries at mga Kasama, Nahuli na Nagsusugal sa ilalim ng Puno

Cauayan City, Isabela- Hinuli ng mga awtoridad ang 7 katao sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Isabela kabilang ang tatlong residente na tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Salazar, 38-anyos, beauty salon worker; Judy Escano, 44-anyos; at Annie Fajardo, 57-anyos at kapwa mga naninirahan sa Bayan ng Aurora.

Naaktuhan ng pulisya na nagsusugal ang mga suspek gamit ang baraha.


Kinumpiska naman ang per amula sa mga ito na nagkakahalaga ng mahigit P2,000.

Samantala, naaresto din ang iba pa na sina Richard Barangay, 32-anyos, tindero; Jeric Abrujena, 25-anyos, isang tricycle driver; pawang mga tumanggao ng ayuda sa SAP; Angelica Gajes, 20-anyos; Angel Dilag, 28-anyos at kapwa mga residente ng Brgy. Amobocan, Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya sa isang concerned citizen na may kasalukuyang nagsasagawa ng iligal na sugal sa nasabing lugar na agad namang tinugunan ng mga operatiba at nahuli sa aktong naglalaro ng pepito sa ilalim ng puno ng mangga.

Nakumpiska sa mga ito ang P280 na ginamit sa paglalaro ng sugal.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments