2 staff ng senado, positibo rin sa COVID-19

53

Nagpositibo ang dalawang staff ng Senado sa sakit na COVID-19.

Kabilang rito ang consultant ni Sen. Pia Cayetano habang ang isa naman ay staff ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.


Ayon kay Senate Secretary Myra Marie Villarica, dumalo sa March 11 session ang consultant ni Cayetano.

Pero wala na ito sa special session ng Senado noong Lunes.

Ito na ang ikalawang staff ni Cayetano na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, ang staff naman ni Revilla ay naka-confine sa ospital sa Cavite.

Nabatid na nagpunta pa ito sa Senate premises noong March 16.


Facebook Comments