2 sugatan sa aksidente sa Quezon City

Quezon City – Sugatan ang 2 indibidwal matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa kamuning Quezon City kagabi.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima na kaagad isinugod sa East Ave. Medical Center

Ayon sa traffic sector 4 ng QCPD, pagdating sa intersection ng nasabing lugar nagpang-abot ang rider at isang pick-up.


Sugat sa muka ang inabot ng babaeng angkas habang hindi maigalaw ng driver ang kanyang paa.

Aminado ang driver ng pick up na siya ang may kasalanan sa aksidente at nangakong sasagutin ang lahat ng gastos sa hospital.

Facebook Comments