Mag-asawa, arestado sa buy-bust operation sa QC

118

Quezon City – Arestado ang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Pajo, Barangay Baesa, Quezon City kaninang alas-12:00 ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilma Tarrayo at Warlito Dela Serna.


Ayon kay Lieutenant Colonel Alex Alberto, Station-3 commander ng QCPD, matagal na nilang sinusubaybayan ang mga suspek at palipat-lipat sila ng tirahan kung saan nasakote sila matapos maituro ng mga naunang nahuli.

Nakuha sa mga suspek ang nasa walong sachet ng shabu na may street value na 170,000 pesos at buy-bust money na 200 pesos.

Mangiyak-ngiyak ang mag-asawa dahil hindi nila alam kung sino ngayon ang mag-aalaga sa isang taon gulang na anak nilang lalaki.

Facebook Comments