2 sundalo patay, 3 sugatan sa sagupaan ng militar at NPA sa Eastern Samar

Nasawi ang 2 sundalo habang sugatan naman ang 3 at iba pa kasama ang isang sibilyan makaraang makasagupa ng tropa ng militar ang New People’s Army (NPA) sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.

Ayon kay Capt. Ryan Layug, chief ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nadamay sa engkwentro ang isang 10 taong gulang na batang babae na kinilalang si Princess Norio.

Sugatan o wounded in action din sina Sergeant Allan Tallania at Private First Class Lou Mark Mengote ng 52nd Infantry Battalion ng Army’s 8th Infantry Division.


Kinilala naman ang mga nasawing sundalo na sina Staff Sergeant John Claire Flores at Private First Class Mark Edupancho Siscar.

Samantala, mariing kinondena ng AFP ang nasabing pag-atake ng mga terorista.

Sinabi pa ni Capt. Layug na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law at Republic Act 9851 ang ginawang pag-atake ng mga rebelde dahil maliban sa paghahasik ng gulo at takot ginawa pa ito ng mga kalaban dis oras na gabi kung saan may nadamay pang sibilyan.

Sa ngayon, dinala sa ospital ang mga sugatan habang ang 2 sundalong nasawi ay bibigyan ng pagkilala at assistance ang mga naulila nilang pamilya.

Facebook Comments