Pitong katao, arestado sa buy bust operation sa Pasay

163

Manila, Philippines – Timbog ang pito katao, kabilang ang isang menor de edad at isang hinihinalang bigtime drug pusher, matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Pasay City.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Maynard Pascual ang mga suspek na sina Angelita Bongat, Ruelito Gueñez, Enrique Taylo, Edgar Alarcon, Rocky Fajardo, Anthony Almerante at ang anak ni Bongat na menor de edad.

Isinagawa ang unang operasyon sa tahanan ni Gueñez sa Everlasting St., Brgy. 184, sa nasabing lungsod.

Nagkunwaring bibili ng shabu ang isang kagawad ng Pasay PNP at habang nasa aktong inaabot na ni Gueñez sa pulis ang drogang nagkakahalaga ng P1,500 ay dito na dinakip ang suspek.

Ayon kay Pascual, agad din silang nagsagawa ng follow-up operation dahilan upang maaresto ang iba pang suspek na naaktuhan pang gumagamit ng illegal drugs sa tahanan ni Bongat.

Tinatayang aabot sa tatlong daang libong piso ang kabuuang halaga ng shabu na nasabat mula sa mga suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Facebook Comments