*Jones, Isabela- *Hindi na nakapalag ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos dakpin ng magkakasanib na pwersa ng AFP at PNP.
Ang dalawang Communist NPA Terrorist (CNTs) ay kinilalang sina Solomon John A. Escopete o mas kilala bilang Dian / Nin, 33 anyos, Giyang Pampulitika at Danilo Estores o mas kilala bilang RJ, 33 anyos, kapwa regular na kasapi ng NPA sa ilalim ng CNT ng Central Front.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, kasalukuyang nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa Brgy Dicamay 2 ang 86IB nang iniulat ng sibilyan ang pagdating ng dalawang terorista na nagpaplano na magturo ng kanilang doktrina sa mamamayan at kabangisan sa mga sundalo na itinalaga doon.
Matapos ang isang masusing pagtatanong ay biglang sumang-ayon ang dalawa na sila ay mga miyembro ng CNTs.
Nakuha mula sa pag-iingat ng dalawa ang isang tablet na may charger, limang cellular phone, isang power bank, dalawang lighters, isang flashlight, isang wallet na naglalaman ng valid ID, personal na gamit na kasama ang isang army green t-shirt, 1 IED / Anti-personnel mine, detonating chord, isang granada na pinatibay sa improvised shrapnel at subversive document.
Samantala, nagbigay puri naman sina Lt/Col. Remegio Dulatre, Battalion Commander ng 86th IB at Col. Laurence Mina, Commander ng 502nd Infantry Brigade dahil sa nagawang accomplishments ng kanilang tropa dahil na rin sa kooperasyon at suporta ng mga residente sa lugar.