2-wanted arestado

47

General Santos City—Arestado ang dalawang wanted sa magkahiwalay ng operasyon ng pulisya dito sa Gensan.

Unang naaresto ang suspek na si Angelo Suarez, 24, residenti ng Alunan St., Barangay Bula sa isinagawang operasyon ng Intelligence Division and Management Branch (IDMB) dahil sa kasong Attempted Homicide. Hindi na pumalag pa ang suspek matapos itong na-corner ng Pulisya.

Naaresto din ng CIDG-12 at ng Police Station 4 ang suspek na si John David, residenti ng Prk. Malinawon, Barangay Conel Gensan sa ginawang operasyon sa Barangay Katangawan. Si John David ang nahaharap sa kasong Murder .

Sa ngayon nasa kustudiya na ng Camp Fermin Lira dito sa Gensan ang dalawang suspek habang hinihintay nalang ang Commitment Order galing ng korte para silay mailipat na sa Gensan City Reformatory Center.

Facebook Comments