Inihayag ng isang 4Ps member graduate na si Mary Ann Tara na ang pagtatapos sa naturang programa ay labis nitong ikinatuwa at kaya na umano niyang maitaguyod ang pamilya.
Samantala, kinilala din ang limang (5) grantee ng Expanded Student’s Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) na matagumpay na nakatapos sa kolehiyo.
Pinuri naman ni DSWD Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez ang mga nagsipagtapos dahil sa kanilang pagsisikap sa buhay at hinimok ang mga ito na paghusayan pa ang kanilang nasimulan at higit umano sa lahat ay magpakumbaba habang umaangat ang antas ng buhay.
Nilagdaan naman ni Lopez, Sta. Teresita Mayor Atty. Rodrigo “Rambo” De Gracia at ng iba pang mga opisyal ang Specific Implementation Agreement na naglalayong suportahan ang mga nagsipagtapos sa programa para mapanatili nila ang self-sufficient na antas ng pamumuhay.
Tinanggap naman ng LGU ang case folder ng mga nagsipagtapos at sinabing pag aaralan nila ng mabuti kung ano pa ang pwede nilang magawa para sa mga 4Ps graduates.