Wednesday, April 8, 2026

20%-50% na pagbaba ng rice production sa harvest season, ibinabala ng DA

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng bumaba ng 20% hanggang 50% ang produksyon ng bigas sa bansa kapag walang gagawing aksyon dito ang pamahalaan.

Bunsod na rin ito ng pagmahal ng fertilizer na gamit ng mga magsasaka sa kanilang pananim bunsod ng gulo sa Middle East.

Ayon kay Agriculture Usec. Asis Perez, posibleng maapektuhan ang mga ani na itatanim sa mga buwan ng Mayo at Hunyo kaya mangangailangan ng sapat na resources para sa mga nabanggit na buwan.

Kung wala aniyang gagawing solusyon dito, tiyak na matatamaan ng pagbaba ng rice production sa metric tons na suplay ng bigas sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.

Hindi naman inirerekomenda ng DA ang pag-aangkat ng bigas dahil lahat ng bansa sa buong mundo ay apektado ng gulo sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Senator Bam Aquino na wala rin palang ibang choice ang bansa kundi ang gawan ng paraan ang tumataas na presyo ng fertilizer at petrolyo para mapanatili sa 78% o higit pa ang rice production sa bansa.

Facebook Comments