20% ng jeepney driver sa NCR, nagtigil-pasada muna!

Umabot na sa 20 porsiyento ng mga jeepney driver sa Metro Manila ang tumigil na sa pamamasada kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Paliwanag ni PISTON National President Mody Floranda, nasa P200 hanggang P300 na lang kasi ang naiuuwi ng mga drayber araw-araw sa kabila ng pamamasada nila nang halos 18 oras.

Hindi rin aniya masyadong nakatulong ang P1 dagdag-pasahe sa mga jeepney driver dahil mataas din ang piyesa at maintenance ng kanilang mga jeep.


Samantala, nanawagan na rin ang ilang mga drayber sa Mindanao ng dagdag-pasahe dahil umaabot na sa P86 hanggang P87 ang presyo ng gasolina doon.

Ayon kay Rigor Cortez, pangulo ng Pantas Transport Federation, wala pang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan, partikular ang mga tricycle driver sa Mindanao.

Facebook Comments