Manila, Philippines – Dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan matapos
sumiklab ang sunog sa Leroy Street, Barangay 679, Paco, Manila.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa
ikalawang palapag ng bahay ni Carla Tejedor pasado alas-11:00 kagabi kung
saan agad itong itinaas sa ikalawang alarma at tuluyang naapula pasado
ala-1:00 kaninang madaling araw.
Inamin naman ng ginang na iligal ang pagkakakabit nila ng kuryente pero
sinabi nito na baka ang iniwan nilang kandila ang siyang naging dahilan ng
sunog.
Sugatan naman ang fire volunteer na si Roberto Socorro habang tinatayang
nasa P50,000 ng halaga ng mga ari-arian ang natupok.
Facebook Comments