20 toneladang campaign materials nakukuha ng MMDA sa kada araw

Nakakakolekta ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 18 tonelado hanggang 20 toneladang campaign materials sa kada araw makalipas ang eleksyon 2022.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na inuuna muna nila ang mga paaralan na siyang pinagdausan ng halalan.

Kasunod nito, nananawagan ang MMDA sa mga kandidato, nanalo man o natalo na tulungan silang maglinis ng kanilang campaign paraphernalia.


Ang mga ito kasi aniya ay posibleng mapunta sa kanal at maging sanhi pa ng baha kapag tag-ulan.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang MMDA sa Ecowaste Coalition upang gawing eco-bag yung mga makakapal na tarpaulin habang ang iba namang campaign materials ay pwede pang ma-recycle.

Facebook Comments