High value target, nadakip ng PDEA sa Palawan

65

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office at Bataraza Municipal Police Station ang high-value target drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Palawan.

Batay sa ipinadalang report kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang suspek na si Susano Berano.

Ang suspek ay naaresto sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.


Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱400,000 at buy-bust money.

Si Berano ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165.

Facebook Comments