Dalawang komunistang lider, patay sa sagupaan sa Zamboanga del Norte

371

Nasawi ang dalawang lider ng New Peoples Army (NPA) matapos na muling magkasagupa ang tropa ng militar at komunistang terorista sa Barangay Midatag, Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Captain Sotero Abrito III, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga sundalo sa Brgy. Midatag nang makasagupa ang mga NPA.

Nagtagal ng 30 minuto ang sagupaan dahilan ng pagkamatay nina Loreto Dagpin alias Elyong, dating Commanding Officer ng Defunct Main Regional Guerilla Unit, at Rolando Maglasang alias Mobin, dating Commanding Officer ng Defunct Guerilla Front-BBC.


Sila ay kapwa miyembro ng Executive Committee ng Western Mindanao Regional Party Committee.

Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang apat na baril at mga bala.

Sinabi naman ni Major. Gen. Gene Ponio, Commander, 1ID na hindi sila magsasawang hikayatin ang mga NPA na sumuko sa gobyerno pero hindi rin sila titigil sa paglaban para sa kapayapaan kung patuloy na maghahasik ng gulo ang mga ito.



Facebook Comments