Pinaka-makabago at pinakabagong mga teknolohiya, kasanayan sa pagsasaka ng palay ang ipinakita sa nasabing programa at may layong mapataas ang produksyon sa pamamagitan ng hybrid rice technology.
Ayon kay Dr. Marvin Luis ng Department of Agriculture, ang Cagayan Valley ay may sapat na suplay ng bigas, at may layunin rin itong tumulong sa pangangailangan hindi lamang ng Cagayan, kundi ng buong bansa.
Sinabi ni Allacapan Mayor Harry Florida na ang proyekto ay naaayon sa priority program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagtaas ng produksyon kasabay ng pagpapababa ng presyo ng bigas upang maging abot-kaya ito sa bawat pamilyang Pilipino.
Ang iba’t ibang mga kumpanya ng binhi na binubuo ng Seed Board ay nagtalaga ng kanilang mga tauhan para makipagtulungan sa OPA at DA RFO 2 Rice Program upang gabayan ang mga magsasaka na makamit ang mas mataas na ani.
Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist, Rice Program ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) at ang Municipal Agriculture Office ng Allacapan ang nasabing pagdiriwang.