200 PESOS NA IMINUMUNGKAHING TAAS SAHOD SA MGA MANGGAGAWA, SINANG-AYUNAN NG ILANG PANGASINENSE

Sinang-ayunan ng ilang Pangasinense ang iminumungkahing 200 pesos na taas sahod para sa mga manggagawang Pilipino.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa ilang Pangasinense, payag sila sa naturang taas sahod dahil mababa pa rin umano talaga kung tutuusin ang sahod ng isang normal na manggagawa.

Pahirapan na rin umanong pagkasyahin ang sahod na halos hindi kayang bumuhay ng isang pamilya dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at nadadagdagan pang gastusin mula sa bahay hanggang sa pag-aaral ng mga anak na estudyante.

Kung tuluyan umano itong maaprubahan ay malaking tulong at ginhawa para sa mga manggagawa dahil mas mararamdaman umano nilang mababayaran ng maayos at nararapat ang lahat ng kanilang hirap at oras na inilalaan araw-araw sa pagtatrabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments