Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit 200 na sundalo ng 5th Infantry Division Philippine Army ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang bloodletting activity sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ngayong araw, July 04, 2022.
Kabuuang 94,500 cubic centimeters ng dugo ang nakolekta sa nasabing aktibidad na pinangunahan ng Camp Melchor F Dela Cruz Station Hospital (CMFDCSH) sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical Center (SIMC).
Ayon kay Maj. Rose Marie Gammonac, Commanding Officer ng CMFDCSH, ang mga nakolektang dugo ay ikokostodiya sa SIMC kung saan, ang kasundaluhan ang prayoridad na benepisyaryo nito o ang kanilang mga kaanak.
Samantala, mayroong 234 blood donors ngunit 24 naman ang hindi na nagawa pang magdonate sa ilang kadahilanan.
Nagpasalamat naman ito sa pamunuan ng SIMC sa suporta na pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Facebook Comments