Ilang mga botante, makakatanggap ng dalawang balota sa Brgy. at SK Elections

Makakatanggap ng dalawang balota ang ibang botante sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa December 5, 2022.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) acting Spokesperson John Rex Laudiangco, ito ang mga botanteng nasa edad 18 hanggang 30.

Ang isa sa mga balota ay para sa SK habang ang isa naman ay regular barangay ballot.


Samantala, isang balota lamang na para sa SK ang matatanggap ng mga nasa edad 15 hanggang 17 gayundin ang mga nasa edad 31 pataas na makakatanggap ng balota para sa barangay elections.

Facebook Comments