200 sundalong Pinoy at Amerikano, nagsagawa ng casualty evacuation drills sa Calayan Island bilang bahagi pa rin ng Balikatan Exercises

Calayan island, Philippines – Lumahok sa isinagawang casualty evacuation drills sa Calayan Island ang mahigit 200 sundalong Pilipino at Amerikano bahagi pa rin ng Balikatan Exercises 2017

Ang Calayan island ay kilalang typhoon prone island town na matatagpuan sa pagitan ng South China Sea at Pacific Ocean at mayroong 18,000 mga residente na nakatira sa 12 mga barangays.

Ginamit sa nasabing aktibidad ang US helicopter na Chinook at dalawang blackhawk helicopters na silang nagdala sa mga sundalo sa isla.


Ang senaryo sa isla ay naaayon pa rin sa tema ngayong taon na Balikatan exercises ang Humanitarian Assistance and Disaster Response.

Sinabi ni Lt. Gen. Oscar Lactao, co-exercise director ng Balikatan 2017, na lahat ng mga aktibidad na kanilang inihanda ay nakatutok sa HADR at counter terrorism.

Humanga naman si US Marine Brig. Gen. John Jansen sa ipinakitang professionalism at discipline ng mga sundalong Pinoy at Kano na kalahok sa Balikatan Exercises 2017.
DZXL558

Facebook Comments