2,000 Pinoy English teachers hanap sa China

Image via educo.org.ph

AABOT sa 2,000 Pinoy teachers ang hanap ng China para magturo ng English sa nasabing bansa. Ito’y matapos magkasundo ang Pilipinas at China na palawigin ang language training programs sa ilalim ng education exchange ng dalawang bansa nang bumisita si Education Secretary Leonor Briones kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa sa China noong Abril 2019 para sa Belt and Road Forum.

Ayon pa sa Education Secretary kasama sa education exchange ang pagsasanay sa mga gurong Pinoy na magturo ng wikang Mandarin. May exchange program na ang mga guro dito sa Pilipinas sa pag-aaral ng wikang Mandarin na sinimulan tatlong taon na ang nakakaraan.

“What both countries want is an acceleration of this exchange because so far nearly 300
teachers have already been trained in the Mandarin language at the Confucius Institute here in the Philippines. They have formal lessons here and then they go to China for exposure visits,” ani Briones.


Nais ng Department of Education na magkaroon ng karagdagang pagsasanay ang mga guro para lalong maitaas ang antas ng teaching-learning process ng mga estudyanteng Pinoy sa pag-aaral ng Chinese Mandarin bilang elective subject sa ilalim ng public schools; Special Program in Foreign Language (SPFL). Kasama rin sa nasabing elective subjects ang pag-aaral ng wikang Spanish, French, German, Korean at Japanese.

Facebook Comments