2018 AFC CUP | Global Cebu FC, haharapin ang FLC Thanh Hoa FC ng Vietnam mamayang gabi sa Rizal Memorial Stadium

Manila, Philippines – Target mamayang ala siyete y medya ng gabi ng Global Cebu FC ang full three points kontra sa bumibisitang FLC Thanh Hoa FC ng Vietnam sa kanilang paghaharap sa pagpapatuloy ng 2018 AFC Cup sa Rizal Memorial Stadium.

Kailangan ng mga Cebuano ang panalo para mapanatili ang pag-asa nilang makausad sa knock out stage ng torneo.

Ayon kay Global Cebu head coach Marjo Allado, gagawin nila ang lahat para makuha ang panalo.


Tinalo ng Thanh Hoa ang Global Cebu, 1-0 sa una nilang paghaharap sa Hanoi pero tabla ang koponan sa Group G standing sa pareho nilang 4 points.

Samantala, haharapin naman ng Ceres Negros FC ang Boeung Ket ng Cambodia sa Phnom Pehn kasabay ng laro ng Global FC at Thanh Hoa.

Facebook Comments