Ethics complaint, isasampa ni Justice Secretary Aguirre laban kay Senator Hontiveros

Manila, Philippines – Nakatakdang maghain si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng ethics complaint laban kay Senator Risa Hontiveros.

Kasunod ito ng pagsasapubliko ni Hontiveros sa sinasabing palitan ng text messages nina Aguirre at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.

Si Aguirre ay naghahanda rin civil complaint kaugnay naman ng aniya ay pagkakalabag sa kanyang privacy of communication; at criminal complaint may kinalaman sa paglabag sa Anti-Wire Tapping Law laban sa senadora.


Una nang nagsagawa ng privilege speech si Hontiveros kung saan ibinunyag nito ang text messages na naglalaman daw ng planong panggigipit sa kanya ni Aguirre.

Facebook Comments