2018 NATIONAL BUDGET | TRAIN bill, hindi papayagang lumusot sa Bicam – Alvarez

Manila, Philippines – Hindi papayagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na makalusot sa bicameral conference committee ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion O TRAIN.

Taliwas ito sa sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles na nagkasundo na ang Kamara at Senado sa mga contentious issues ng 2018 budget.

Ayon kay Alvarez, tiyak na papasanin ng mga ordinaryong Pilipino ito dahil ipapasa lang naman ng mga kumpanya ang dagdag singil sa kuryente.


Aabot sa 3,000 ang dagdag singil sa kuryente na hahatiin sa tatlong tranche kung palulusutin ang proposal na ito sa bicam.

Giit ni Alvarez, sakaling ipilit ito ng Senado ay hindi nila palulusutin dahil ang maaari lang naman gawin ng Mataas na Kapulungan ay magpasok ng amyenda o di kaya ay mag-concur.

Ilang mga grupo na rin ang nag-lobby sa Kongreso na pigilan ang coal tax.

Isa na dito si dating Agham PL Rep. Angelo Palmones na sumulat pa kay Nograles at iginiit na bukod sa taumbayan, apektado din ng itataas sa singil sa kuryente ang negosyo at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments