2018 PBA PHILIPPINE CUP | Pagiging sister team ng Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen, hindi hadlang para maging mainit ang bakbakan sa finals

PBA – “Walang sister team-sister team.”

Ito ang sinabi ni Magnolia Team Governor Rene Pardo sa press conference
kahapon para sa nakatakda nilang laban ng kapatid na koponang San Miguel
Beer para sa finals ng ‎2017-2018 PBA Philippine Cup bukas.

Siniguro ng dalawang koponan na ibibigay nila ang lahat para sa best-of
seven series.


Huling nagharap para sa kampeonato ang Beermen at Hotshots noong 2013 PBA
Governor’s Cup Finals kung saan naungusan ng San Mig Super Coffee
(Magnolia) sa ilalim ni Coach Tim Cone ang Petron (San Miguel) sa game
seven.

Magsisimula na bukas ang serye ng labanan sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments