Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat ang pag-iikot sa 39 na mga barangay nito para ihatid ang programang SALAM Barangay. Unang tinungo ng SALAM team na pinamumunuan mismo ni Mayor Shameem Mastura ang Barangay Sinditan noong nakaraang Huwebes, ngayong araw naman ay ang Barangay Alamada. Ang SALAM barangay program ay apat na taon nang ipinatutupad ng SK-LGU. Sa ilalim ng programa ay ibinababa at inilalapit ng LGU ang basic services sa barangay level. Ilan lamang sa mga natatamasang serbisyo ng mga residente ay libreng medical at dental checkup, libreng gamot, libreng gupit, libreng pagkuha ng birth certificate, cedula, senior citizens ID, PWD ID at iba pa. Nagkakaroon din ng mga palaro at patimpalak para sa mga bata, kababaihan, kalalahihan at senior citizens. Hindi rin nawawala ang pamamahagi ng school bags sa mga batang mag-aaral. Sa pamamagitan ng SALAM barangay program ay nakikita mismo ni Mayor Mastura ang kakulangan at pangangailangan sa kinasasakupan nitong barangay at naririnig ang saloobin at karaingan ng kanyang constituents na agad naman na inaaksyunan. Laging binibigyang diin ni Mayor Mastura na bilang 1st class municipality kailangang “primera klase” din ang natatamasang serbisyo ng constituents mula sa local government.
2018 Salam Barangay Program ng SK Maguindanao, umarangkada na!
Facebook Comments