2019 budget, isinalang na sa bicam

Manila, Philippines – Naisalang na sa Bicameral conference committee ang proposed 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 trillion budget.

May apatnapung minutong nagpulong ang mga senador at kongresista dahil inilatag pa lang doon ang ground rules.

Napagkasunduan sa Bicam na gamiting point of reference sa pagtalakay ng budget ang 2019 National Expenditure Program.


Tiniyak naman ng mga miyembro ng Bicam na isisikapin nilang magkasundo sa mga amendments o pagbabago sa panukalang budget.

Facebook Comments