Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigod Duterte ang 2019 General Appropriations Act o Republic Act 1126 na nagkakahalaga ng mahigit 3.757 Trillion pesos.
Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto III.
Ayon kay Sotto, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang tumawag sa kanya at nagbigay ng impormasyon.
Sabi ni Sotto, 95.3 Billion pesos ang halaga na veto ni Pangulong Duterte sa 2019 budget.
Kasama dito ang mga tinukoy ng senado na illegal realignments na ginawa sa 2019 budget matapos na ito ay aprubahan ng Bicameral Conference Committee at maratipikahan.
Facebook Comments