“See you in Pili…” Ito ang malaman na birong iniwan ni Cong. Nonoy Andaya sa mga mayors na kanyang nakadaupang palad nitong nakaraang Sabado sa isang consultative assembly na ginanap sa lugar ng mga Fuentebella sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur.
Sinabi ni Andaya na ang kanyang maagang paglantad sa politika bilang gubernatorial candidate sa darating na 2019 election ay resulta ng halos isang taong konsultasyon. Kasabay nito, tinuran na rin ni Andaya na amg kanyang pahayag ay bahagi na rin ng kanyang personal na tugon sa panawagan ng publiko mula sa sector ng simbahan, kabataan, negosyante, kababaihan at iba pang grupo.
Kasama ni Andaya sa nasabing pagtitipon ang kanyang mga malalapit na leaders sa 1st District at sa 2nd District na sinasabing mga tunay niyang kaama sa paglilingkod sa mamamayan.
Layunin din ng nasabing pagtitipon na pag-isahin ang mga pinuno ng iba’t-ibang bayan at sa pamamagitan nito mabuo ang mabuting samahan ng mga pinunong local sa probinsya.
Binigyang diin ni Andaya sa kanyang pahayag ang pagnanais niyang maitulak ang disenteng pagtingin sa kapwa at respeto sa bawat isa tulad ng kanyang ipinamalas sa kanyang lugar sa 1st District.
Sa nasabing pagtitipon ay pormal na ring ipinakilala ni Andaya ang kanyang sarili sa harap ng mahigit isang libong mga leaders na kinabibilangan ng mga mayors, vice mayors at iba pang officials mula sai ba’t-ibang bayan ng Camarines Sur. Inilarawan niya ang sarili bilang isang anak na may malaking paggalang sa kanyang ama. Binigyang diin niya na kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon ay malaking utang na loob niya sa kanyang ama na si late Congressman at DBM Secretary Rolando Andaya, Sr.
Idinagdag pa ni Andya na isa siyang taong praktikal at may takot sa Diyos at respeto sa kapwa. Para sa kanya, kung nais mong makakuha ng respeto, dapat ay kumilos ka ng ayon sa nararapat, maging bukas palagi ang isipan, hindi ang bibig, at kilalanin ang talino, galing at talento ng kapwa.
Una ng pumutok nitong nakaraang linggo ang kanyang intention na tatakbong governor ng Camarines Sur, kasabay ng kanyang maybahay na si Marissa Mercado-Andaya bilang kongresista sa 1st District at kongresista ng 2nd District naman ang kanyang kapatid na si former Pasig City Mayor Maribel Andaya-Eusebio sa darating na 2019 Election Derby.
credit:photofromfbofjuntopacioorillosa
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Jun Orillosa, RadyoMan Grace Inocentes, Tatak RMN!
2019 Election Derby: Cong. Nonoy Andaya, Nakipagkonsulta sa mga taga Partido District ng CamSur
Facebook Comments