2019 MIDTERM ELECTION | Sen. Villar, nanguna sa bagong senatorial survey

Manila, Philippines – Nanguna si Senadora Cynthia Villar sa pinakabagong senatorial survey ng Social Weather Stations (SWS).

Si Villar ay nakakuha ng voter preference na 53%.

Statistically tied sa ikalawa at ikatlong pwesto sina Senadora Grace Poe at Taguig Representative Pia Cayetano na may 43%.


Pasok sa ika-apat at ikalimang pwesto sina Senador Koko Pimentel III at dating Senador Lito Lapid na may 33%.

Nasa ika-anim na pwesto si dating Senador Jinggoy Estrada na may 31% na sinundan ni dating Senador Mar Roxas na may 30%.

Naghahati sa ikawalo at ikasiyam na pwesto sina sen. Nancy binay at sen. Sonny angara na may voter preference na 26%.

Ikasampu si BuCor Chief Ronald Dela Rosa na may 25%.

Kumupleto sa top 12 sina dating Senador Serge Osmeña at Ilocos Norte Governor Imee Marcos na kapwa may 24% voter preference.

Isinagawa ang survey mula sept. 15 hanggang 23 sa 1,500 respondents.

Samantala, narito naman ang bubuo sa top 16:
– 13th: Senador Bam Aquino (22%)
– 14th Senador JV Ejercito (19%)
– 15th: Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino (16%)
– 16th: Special Assistant to the President Bong Go (12%)

Ang mga sumusunod naman ay nakakuha ng single-digit voter preference:
– Actress – Agot Isidro (9%)
– Presidential Spokesperson Harry Roque (8%)
– Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno (7%)
– Former journalist – Jiggy Manicad (6%)
– Dating Quezon Representative Erin Tañada (5%)
– Magdalo Representative Gary Alejano (4%)
– Human Rights Lawyer Jose Manuel Diokno (3%)
– Atty. Lorenzo Gadon (3%)

Facebook Comments