TAKOT? | NAIA screener, hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Bertiz

Manila, Philippines – Hindi na kakasuhan ng airport security screener si ACT-OFW Party-list Representative John Bertiz matapos siyang i-harass nito sa NAIA noong Setyembre 29.

Kasama ang kanyang tatay, nagtungo si Hamilton Abdul sila sa tanggapan ni Office of Transportation Security (OTS) Head Executive Assistant Napoleon Cuaton.

Ayon kay Cuaton – hindi na itutuloy ni Abdul ang pagsasampa ng kaso laban kay Bertiz dahil sa pangambang babalikan siya nito.


Hindi nila aniya mapipilit si Abdul na maghain ng reklamo pero tiniyak na handa pa rin ang OTS na tumulong sa kanya.

Nabatid na inulan ng batikos online si Bertiz matapos lumabag sa security protocol, pag-harass at pagkumpiska ng ID ni Abdul sa NAIA Terminal 2.

Facebook Comments