IATF, pinayagan na ang pagbubukas ng mga gym, fitness studio at iba pang indoor non-contact sports sa NCR Plus areas

38

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pabubukas ng mga indoor non-contact sports venues gaya ng mga gym, fitness studios, skating rinks at racket sports courts sa National Capital Region (NCR) Plus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari nang mag-operate ang mga nabanggit na establisyimento sa 30% venue capacity.


Dapat din na mayroon silang Safety Seal Certification mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

Bukod dito, pwede na ring magbukas ang mga historical sites at museums sa NCR Plus sa 20% venue capacity basta’t aprubado ng Local Government Unit na nakakasakop dito.

Facebook Comments