2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, suspendido na

57

Suspendido na ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sana sa Doha, Qatar ngayong Pebrero.

Ayon kay Ryan Gregorio, Special Assistant to the President ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), hinihintay pa nila ang kumpirmasyon mula sa FIBA kung ano ang dahilan ng pagsuspinde ng laro.


Matatandaang una nang nakaharap ng Gilas Pilipinas men’s basketball team sa FIBA ang South Korea at Indonesia nitong February 18, 20 at 22 kung saan nag-back out ang Pilipinas sa pag-host ng laro dahil sa travel restrictions.

Facebook Comments