Pasado na sa naganap na regular session kahapon sa Sangguniang Panlungsod ang matagal ding nakabinbing pag-apruba ng annual budget ng lungsod ng Dagupan na nakalaan para sa isasakatuparang mga proyekto at programa sa siyudad at sa nasasakupan nito.
Bagamat hindi ang proposed annual budget ng kasalukuyang administrasyon na 1.3 billion ang aprubado, higit 864 na milyong piso ang inaprubahang pondo saklaw nito ang iprinisentang basis ng Majority na mga tunay paglalaanan lamang ng pondo upang maiwasan umano na masayang ang pera.
Binigyang-diin ni Councilor Mejia sa kanyang panayam ang isa sa mga dahilan kung bakit nga ba natagalan ang pag-apruba ng annual budget ay ang hindi pagdalo ng mga iniimbitahang department heads sa isinasagawang committee hearing, sapagkat dito nila maidedepensa ang mga allocated budgets para sa kani-kanilang opisina at nang ito’y mapabilang sa bibigyan ng pondo ng annual budget.
Kalakip ng nasabing annual budget ang pagtalakay din sa mga usaping “Scholarship” na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng grants para sa mga kwalipikadong scholars ng lungsod. Ukol pa sa 200M na proposed budget din para sa limang libong scholars sa siyudad na hindi sinang-ayunan ng Majority block dahil hindi ito masusustain ng pondo sa mga susunod pang taon dahil sa laking halaga nito. Marami pa rin umano ang mga sektor na kailangang din mabigyan ng pondo hindi lamang sa edukasyon.
Isa rin ang mga isyu ukol sa mga Job Order Employees at kung paano hindi maibigay ang kanilang mga dokumento, gaya na lamang ng pangalan nila mismo dahil Ayon kay councilor, Tanging numero lang ang natanggap nila,upang sana ay makuha na ang sweldo dahil nga walang pangalan ibinigay.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtatrabaho ng SP sa ilang mga supplemental budget na kinakailangang mapondohan pa. |ifmnews
Facebook Comments