2023 Bar Exam passers, nakatakda nang manumpa bukas

Nakatakda nang manumpa bukas bilang mga abogado ang 3,812 na pumasa sa 2023 Bar examinations.

Ang oath-taking ay gaganapin bukas, alas-2:00 ng hapon sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Bar passers ng 2023 Bar examinations ay manunumpa sa kaparehong taon ng kanilang pagsusulit.


Sa mga nagdaan, inilalabas ang resulta ng examination sa unang quarter ng susunod na taon pagkatapos nilang kumuha ng mga pagsusulit.

Si SC Associate Justice Ramon Paul Hernando ang chairperson ng 2023 Bar examinations.

Samantala, ang 2024 online Bar examinations ay pangasiwaan ng SC sa Setyembre 8, 11, at 15, kung saan si Associate Justice Mario V. Lopez ang chairperson ng committee.

Facebook Comments