
Uumpisahan na sa Lunes ang budget deliberations para sa panukalang 2026 National Budget na higit sa P6.79 trillion.
Haharap sa Senate Committee on Finance ang mga economic managers para i-brief ang mga mambabatas sa National Expenditure Program (NEP).
Pagkatapos ng dalawang araw na briefing ay susundan na ito ng mga pagdinig ng komite at mga subcommittees na hihimay sa panukalang budget.
Kasabay ng mga pagdinig ay bubuksan na rin ang Senate budget transparency portal.
I-a-upload sa portal ang lahat ng mga dokumento ng 2026 national budget kabilang ang latag ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) gayundin ang mga committee report na aaaprubahan ng Senado at ng bicameral conference committee.
Facebook Comments









