Tikoy Recipes To Try Ngayong Chinese New Year

IMAGE FROM: ELILEEN'S COOKING AND EATING ADVENTURES

Nalalapit na naman ang Chinese New Year, karamihan sa atin ay busy na sa pagbili ng mga Chinese delicacies na ihahanda at ipangreregalo. Isa sa mga hindi mawawala sa hapag tuwing Chinese New Year ay ang ‘Tikoy’.

Kilala sa China bilang Nian Gao o year cake, ang tikoy ay isang kakanin na gawa sa malagkit na bigas o glutenous rice. Pinaniniwalaan ng mga Instik na ang pagkaing ito ay ang nagbibigay ng swerte para sa buong taon at nagbubuklod sa pamilya.

Karamihan sa atin ay napupuno ng tikoy ang mga hapag o refrigerator tuwing Chinese New Year dahil sa kilala nga itong pang-regalo sa nasabing okasyon. Ilan sa atin ay palaging pinoproblema o pinanghihinayangan ang mga tikoy na naiiwan lang sa ref at nasisira. Pero alam niyo ba na marami pang maaring gawin sa mga tirang tikoy? Ito ang ilan sa mga tikoy recipes na paniguradong papatok na pagkain sa bahay o kahit na business.


 

 

LUMPIANG TIKOY

IMAGE FROM: ELILEEN’S COOKING AND EATING ADVENTURES

 

Masarap ang lumpiang tikoy na pang-meryenda para sa ating mga bagets sa bahay. Kailangan lamang ng lumpia wrapper, ibalot rito ang hiniwang tikoy at lagyan ng chocolate spread puwede mo na itong i-prito at gawing kakaibang dessert na tiyak magugustuhan!

 

 

TIKOY AND PEANUT CHEESESTICKS

IMAGE FROM: SUKITOSPOON

 

Kailangan lang ng tikoy at cheese strip matpaos ay ilubog ito sa binating itlog at igulong sa dinurog na mani, mayroon ka nang masarap na pang-merienda o maari mo rin itong ibenta dahil tiyak na ito ay papatok.

 

 

GINATAANG TIKOY

IMAGE FROM: PEPPER.PH

 

Mahilig tayong mga Pinoy sa ginataang bilo-bilo, patok ito na meryenda para sa kahit na sino. Pero alam niyo ba na puwede itong bigyan ng twist. Sa halip na malagkit ang gawing bilo-bilo, haluan ito ng tikoy strips at paniguradong matitikman ang masarap na lasa ng bilo-bilo with a twist.

 

 

BibingKoy

IMAGE FROM: EAT TO YOUR HEART’S CONTENT

 

Tapos na ang pasko, karamihan sa atin ay bitin pa sa mga pagkain na sa pasko lang kadalasan matitikman gaya ng bibingka. Pero alam niyo ba na puwede ring gawing handa sa Chinese New Year ang bibingka? Pero bigyan ito ng Chinese twist sa pamamagitan ng paghalo ng tikoy sa recipe ng bibingka. Paniguradong craving satisfied ka!

 

 

Tikoy À La Mode

IMAGE FROM: M2SOCIAL

 

Ito ang isa sa pinakakilalang recipe ng tikoy, hindi mahirap lutuin at masarap kainin. Lutin ang tikoy the usual way at lagyan ito ng ice cream sa ibabaw, paniguradong masarap itong pampalamig lalo na’t nalalapit na ang summer.

Marami pang recipes ang maaring gawin sa tikoy, kailangan lang maging malikhain sa pagisip ng mga bagong putahe. Pero sa kabila nito, ‘wag na’tin kalilimutan na minsan mas masarap pa rin ang tikoy sa orihinal na pagkakaluto nito. At tulad nga ng kadalasang sinasabi, ang tikoy habang tumatagal mas lalong sumasarap.

 


Article by Jose Martin Oanes

 

Facebook Comments