209 LAPTOP, IPINAMAHAGI SA 10 PAARALAN SA DAGUPAN; 5,445 GURO AT DEPED PERSONNEL SA PANGASINAN, NANUMPA SA BAGONG POSISYON

Pormal nang sinimulan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara, kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, ang nationwide distribution ng mahigit 231,000 laptop para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Nagsagawa ng ceremonial turnover ng unang 209 Apple MacBook Neo units sa sampung pampublikong paaralan sa Dagupan City nitong Nobyembre 9, 2026, sa Dagupan City National High School.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na mabawasan ang trabaho at mga matagal nang hamon na kinahaharap ng mga guro upang mas makapagtuon ang mga ito sa pagtuturo at paghahanda ng lesson plans at reports.

Sa isinagawang pamamahagi sa Dagupan City, nakatanggap ng 72 MacBook Neo units ang Dagupan City National High School, habang hinati naman sa siyam pang pampublikong elementarya, integrated at secondary schools sa lungsod ang natitirang 137 units.

Upang matiyak na magagamit nang maayos ng mga guro ang mga bagong kagamitan, magsasagawa rin ang DepEd at National Educators Academy of the Philippines ng komprehensibong training program para matutuhan ng mga guro ang paggamit ng laptop.

Bahagi ito ng Computerization Program ng Department of Education (DepEd) kung saan kabuuang 231,725 laptop para sa mga guro.

Samantala, isinagawa rin ang mass oath-taking ng 5,445 newly promoted at newly hired DepEd personnel sa buong Pangasinan.

Kabilang sa mga nanumpa ang 5,211 na-promote na guro at school heads, at 234 bagong School Counselor Associates na tutulong sa mental health services sa mga paaralan.

Sa datos ng Pangulo, mahigit 82,100 guro at school heads na ang na-reclassify sa buong bansa, kabilang ang mahigit 10,200 sa Pangasinan.

Binigyang-diin ni Marcos na hindi lamang pagtuturo kundi paghubog sa kinabukasan ng kabataan ang mahalagang tungkulin ng mga guro.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, Layunin ng Expanded Career Progression o ECP System na tugunan ang matagal nang pagkaantala ng promosyon ng mga guro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments