Tuesday, November 10, 2026

Navotas Rep. Toby Tiangco, tetestigo sa bail hearing ng kasong plunder laban kay Dating House Speaker Martin Romualdez

Haharap sa bail hearing ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Martes, November 10 para sa kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez si Navotas Representative Toby Tiangco.

Matatandaang dati nang inakusahan ni Tiangco si Romualdez at dating House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co, na umano’y kabilang sa mga “mastermind” sa bilyon-bilyong anomalya sa flood control projects.

Noong nakaraang taon, matatandaang sinabi rin ni Tiangco, na si Romauldez umano ang dapat sumagot sa mga katanungan kaugnay ng naging problema sa 2025 budget.

Habang nagkaroon pa ng pagkakataon noong November 24, 2024, na nakipagpulong umano si President Ferdinand Marcos Jr. kay Tiangco at Romualdez, kung saan sinasabi ni Tiangco na kinumpronta umano ng pangulo kaugnay ng malawakang kurapsyon sa kongreso si Romualdez.

Facebook Comments